Valenzuela City Government, naglabas ng panuntunan sa burol at libing sa labi ng non-COVID-19 patient

Naglabas ng panuntunan ang pamahalaang lokal at City Health Office ng Valenzuela para sa pagburol at paglibing sa mga nasawi ng hindi dahil sa COVID-19.

Una, ang burol ay pinapayagan lamang tumagal ng hanggang dalawang o tatlong araw.

Ikalawa, ang mga dadalo sa burol ay dapat ilimita sa mga kamag-anak at dapat hanggang sampung indibidwal lamang sa lahat ng oras.


Ikatlo, ang mga dadalo naman sa libing ay dapat malalapit na kamag-anak lang din na hindi hihigit sa sampung katao.

Mahigpit din ang paalala ng Valenzuela City Government na habang nasa burol at libing ay dapat maayos na nakasuot ang face mask, pinapatupad ang social distancing, palaging naghuhugas ng kamay at gumagamit ng alcohol o sanitizer.

Facebook Comments