Mahigpit na nagpapatupad ang Valenzuela City Government ng mga patakaran kaugnay sa paggamit ng electric scooter o e-scooter alinsunod sa itinatakda ng Ordinance No. 811 Series of 2020.
Base sa ordinansa, ang lahat ng sumasakay ng e-scooter ay dapat palaging may suot na helmet.
Hinihikayat din ang pagsusuot ng mga ito ng knee pads, wrist pads at elbow pads.
Mahigpit na ipinag-uutos ng ordinansa na 17 taong gulang pataas lamang ang maaaring magmaneho ng e-scooter.
Ang mga 16-anyos ay pwede lang gumamit ng e-scooter sa sariling pribadong ari-arian o compound at dapat may gabay ng kanilang magulang.
Ipinaalala rin ng pamahalaang lokal na maaaring dumaan ang e-scooter sa lahat ng kalsada sa Valenzuela maliban sa MacArthur Highway.
Ang sinumang lalabag dito ay magmumulta ng 500 pesos at papatawan ng parusang 24 na oras na community service.