Kasabay ng pagdiriwang ng Pasko ay ipinaalala ng Valenzuela City Government ang itinakdang limitasyon sa maaaring bilhin at inumin na alak alinsunod sa ating Liquor Regulation During Pandemic Ordinance.
Kasama rito ang pagbabawal sa pagtagay o paghihiraman ng baso para makaiwas na mahawa ng COVID-19.
Bawal din ang magpakalat-kalat ang mga lasing o nakainom sa mga pampublikong lugar.
Ang pag-inom ng alak sa Valenzuela ay pinapayagan lamang sa mga tahanan o mga pribado o komersyal na establisyimento at hindi pwede sa mga pampublikong lugar.
Diin ng Pamahalaang lokal, sinumang lalabag sa ordinansang ito ay papatawan ng karampatang multa.
Facebook Comments