Valenzuela City Government, naglatag ng hakbang para maging ligtas sa COVID-19 ang renewal ng business permit

Magsisimula na sa January 2021 ang business permit renewal sa lungsod ng Valenzuela.

Dahil dito ay naglatag ang lokal na pamahalaan ng mga paraan para maging ligtas sa COVID-19 ang sinumang mag-aasikaso ng pagrenew ng business permit sa lungsod.

Hinihikayat ng Valenzuela City Government ang mga korporasyon at negosyante na huwag ng pumila at sa halip ay mag-renew na lang ang mga ito ng business permit online.


Pinapayuhan naman ang mga negosyante na walang paraan para idaan sa online ang pag-renew at pagbabayad ng business permit na alamin ang payment center sa kani-kanilang Barangay.

Bilang pag-iingat sa COVID-19 ay dapat magdala din ang mga ito ng sariling ballpen, quaranntine pass at ValTrace QR code.

Bukod pa ito sa umiiral na health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, at pagsunod sa social distancing.

Facebook Comments