Ibinida ni Mayor Rex Gatchalian sa Inter Agency Task Force CODE team na kasado na ang VCVAX o Valenzuela City COVID-19 vaccines roll out plan.
Base sa presentation ni Gatchalian, 150-million pesos ng paunang pondo ng lungsod mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund.
640,000 na doses ng bakuna mula sa AstraZeneca ang inisyal na bibilhin para sa 320,000 indibidwal na ipapamahagi mula Hulyo hanggang Disyembre.
Ayon kay Mayor Rex, 17 ang inihanda vaccination centers ng lokal na pamahalaan, 76 naman ang vaccination teams na inaasahang makapagbabakuna ng 3,080 indibidwal kada araw.
Tiniyak ni Gatchalian na mayroon na rin silang inihandang cold storage facility para imbakan ng bakuna at ito ang Estrella Ice Plant and Cold Storage Company.
May mga hakbang na rin ang Valenzuela Government para maipaalam sa publiko ang mahahalagang impormasyon at kahalagahan ng COVID-19 vaccine.
Ngayon ay puspusan ang paghikayat ni Gatchalian sa mamamayan ng lungsod na magparehistro para magpabakuna sa valtrace.appcase.net.