Valenzuela – Walang narekober na droga o kontrabando sa Valenzuela City Jail.
Ito ay makaraan ang ikinasang oplan grey hound o oplan galugad sa nasabing piitan ng pinagsanib na pwersa ng BJMP, Valenzuela police at PDEA.
Ayon kay Jail Chief Insp Emmanuel Bang-asan bunga ito ng mahigpit na inspeksyon na kanilang ipinatutupad sa mga dalaw ng preso.
Ilan sa mga nakumpiska sa Valenzuela city jail ay gamit sa panluto tulad ng sandok, rice cooker, thermos at mga ballpen.
Bawal kasi ang ballpen o anumang matutulis na bagay dahil maaari itong makapanakit ng kapwa preso.
Paliwanag ni Bang-asan kapag may presong nahulihan ng anumang uri ng kontrabando ay sasailalim sa pagdidisiplina ng kanilang disiplinary board at babawalan na madalaw ng kanilang mga mahal sa buhay.