Valenzuela City LGU, gumawa ng sariling job portal

Valenzuela City – Gumawa ng sariling job portal ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela para mas ilapit sa mga residente nito ang mga available na trabaho sa lungsod.

Ayon kay Joel Gonzaga, PIO ng Valenzuela City Hall, tulad ng Jobstreet ng DOLE, ang Valenzuela Trabaho website ay katatampukan ng iba’t ibang bakanteng trabaho para sa mga residente nito tulad ng IT staff, sales representative, driver, marketing assistant, sales agent at iba pa.

Dagdag pa ni Gonzaga, mapapadali na ang paghahanap ng trabaho gamit ang app lalo’t naka lagay na rin ang mga importanteng detalye at requirements para sa inaaplyang trabaho.


Facebook Comments