Valenzuela City LGU, naghahanda na rin sa magiging epekto ng Bagyong Uwan

Nagsagawa ng preemptive safety measure ang Valenzuela City local government unit (LGU) bilang paghahanda sa pagtama ng Bagyong Uwan sa bansa.

Sa ngayon ay naka-preposition na ang mahigit isang daang modular tents ang lokal na pamahalaan sa mga evacuation center sa Valenzuela National High School at 3S Center Lingunan.

Dagdag pa rito, patuloy rin na nakikipag-ugnayan ang Valenzuela City Disaster Risk Reduction Office sa Philippine Army.

Una na rito, maagang nagsuspinde ng klase ang lokal na pamahalaan kahapon sa lahat ng antas ang lungsod bukas, November 10.

Nagpaalala naman ang Valenzuela LGU sa mga residente na patuloy na mag-ingat sa magiging epekto ng bagyo sa lungsod.

Facebook Comments