Valenzuela City, naglabas ng traffic advisory para sa Undas

Naglabas ng traffic advisory ang Valenzuela Traffic Department para sa araw ng Undas.

Sa mga tutungo ng Polo Catholic Cemetery at Polo Memorial Park, isasara sa trapiko ang Maligaya Street simula F. Valenzuela Street.

Sarado rin ang daan mula sa Maligaya Street patungong zone 5 habang one way traffic naman ang iiral mula M.H. Del Pilar hanggang F. Valenzuela Street.


Para naman sa mga tutungo sa Arkong Bato Cemetery, sa Cordero Street pa lamang ay hindi na papayagang makadaan ang mga sasakayan patungong sementeryo.

Facebook Comments