Valenzuela City, nagpaalala sa mga residenteng ingatan ng husto ang kanilang vaccine passport

Pinapayuhan ang mga residente ng Valenzuela City na ingatan ang kanilang mga vaccine passport o VCVAX passport.

Partikular na pinaalalahanan dito ang mga residenteng nakakumpleto na ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Payo ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City sa kanilang mga residente, sakaling nakatanggap na sila ng second dose ay ipa-laminate ang VCVAX passport upang hindi mapunit, mabasa at masira.


Pinaalalahan din na ingatan itong mabuti, huwag itapon o hayaang mawala kahit pa kumpleto na ang isang indibidwal ng bakuna.

Mahigpit namang ipinagbabawal ang pamemeke, panggagaya, at pagreproduce ng vaccine passport at may kaukulang parusang kakaharapin sakaling mapatunayang may paglabag na ginawa.

Hinihikayat naman ang mga residente na sakaling mawala ang kanilang VCVAX passport ay makipagugnayan sa VCVAX Help Center sa numerong 8-822-2463.

Facebook Comments