Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela na wala nang cut-off sa bilang ng mga babakunahan kada-araw.
Sa ilalim ng bagong sistema, kailangan lamang pumunta sa vaccination sites para makatanggap ng first dose ng COVID-19 vaccine.
Kaya naman, nanawagan na ang lokal na pamahalaan sa mga residente o nagta-trabaho sa lungsod na hindi pa bakunado na magpabakuna na kontra COVID-19.
Una rito, nagpatupad din ang Valenzuela ng on-site registration para sa mga hindi pa nababakunahan sa lungsod.
Sa ngayon ay umaabot na sa mahitgit 795,000 ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan sa Valenzuela kung saan sa bilang na ito, 350,000 ang fully vaccinated habang mahigit 445,000 ang nakatanggap na ng first dose.
Facebook Comments