Binuksan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang lahat ng pumping stations sa lungsod.
Ito’y parte ng kanilang hakbang kaugnay sa Bagyong Goring kahit pa hindi sentro ng bagyo ang Metro Manila.
Nabatid na nais ng Valenzuela Local Government Unit (LGU) na maiwasan ang ilang pagbaha bunsod ng pag-ulan na nararansan kaya binuksan ang mga pumping station.
Bukod dito, nakahanda na rin ang mga disaster relief pack ng lokal na pamahalaan na bahagi ng pagiging handa sa mga sakuna o kalamidad.
Naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan ang disaster relief pack tulad ng food packs, comfort kit at family kit.
Patuloy naman naka-monitor ang Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office sa lagay ng panahon at sa magiging epekto ng Bagyong Goring.