Valenzuela LGU, hinihikayat ang mga mag-aaral na magpabakuna bago ang pasukan ng klase

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang mga mag-aaral na kumpletuhin na ang kanilang bakuna kontra COVID-19 bago ang pasukan ng klase sa Agosto 29.

Kaugnay nito, magbukas ang Valenzuela Local Government Unit (LGU) ng dalawang vaccination site sa lungsod na maaaring puntahan ng mga mag-aaral na magpapaturok ng COVID-19 vaccine.

Isa rito ay ang Valenzuela City People’s Park at ang isa naman ay ang Valenzuela City Social Hall.


Magbubukas ng alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon ang People’s Park simula Lunes hanggang Biyernes.

Habang ang Valenzuela Social Hall ay bubuksan lamang sa araw ng Sabado mula sa parehong oras.

Bukas ito sa mga kabataan may edad mula 5 hanggang 17 taong gulang.

Para sa mga batang may edad ng 5 hanggang 11 taong gulang, Pfizer kidz ang gagamitin para sa kanila habang Sinovac vaccine naman para sa 12 hanggang 17 taong gulang.

Facebook Comments