Valenzuela LGU, patuloy na nakabantay sa posibleng strike ng mga truck driver

Nananatiling nakabantay ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela hinggil sa planong strike ng mga truck driver.

Partikular na binabantayan ng Valenzuela LGU ang ilang entry point ng NLEX na sakop ng kanilang lungsod.

Kaugnay nito, patuloy na nakamonitor ang ilang tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela para masiguro na walang anumang kahuluhan ang magaganap.


Maging ang mga motorista at mga residente ng Valenzuela ay pinapayuhan na dumaan sa mga alternatibong ruta sakaling ikasa ang napipintong strike.

Pinamomonitor rin ng Valenzuela LGU sa mga otoridad ang sitwasyon upang agad na makaresponde sakaling may mangailangan ng tulong.

Nabatid na nagpa-planong magprotesta ang grupo ng mga truckers dahil sa ipinatupad na P7.00 dagdag singil sa toll sa NLEX para sa open system at P0.30 kada kilometrong dagdag naman sa closed system.

Facebook Comments