
Bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan, puspusan ang operasyon ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela sa paglilinis ng mga daluyan ng tubig sa lungsod.
Pinangunahan ito ng Rivers and Waterways Management Office (RWMO) ng Valenzuela LGU.
Isa-isang nilinis ang mga kanal, drainage, ilog, at sapa upang masiguro na walang mga nakabara.
Ayon kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, maliban sa declogging at cleaning operation, tiniyak din nila na nasa working condition ang mga pumping station sa lungsod.
Kaugnay nito, hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente na makiisa sa ginagawang paglilinis at kung maaari ay itapon nang maayos ang mga basura.
Ang mga humihiling naman ng pagsasagawa ng declogging ay maaaring tumawag sa Rivers and Waterways Management Office sa numerong 8352-2000.









