Valenzuela LGU, tiniyak na pinag-aralang mabuti ang ilalagay na bike lane sa MacArthur Highway

Pinahupa ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City ang pangamba ng ilan sa ilalagay na bike lane sa may MacArthur Highway.

Bukod kasi sa masikip at ma-traffic din ang kalsada na siyang ikinakabahala ng maraming motorista.

Pero, tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na dumaan sa maraming pag-aaral ang ilalagay na bike lane sa lungsod.


Ang gagawing 6.7 kilometers na daanan ng bisikleta sa kahabaan ng MacArthur Highway ay mula Marulas hanggang Malanday.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, kaya MacArthur ang pinili ay dahil ito ang pinakamalapad na national road na mayroon sila kumpara sa iba.

Sa ngayon aniya ay marami na ang gumagamit ng bikes papasok sa trabaho at sa MacArthur highway dumadaan ang mga ito, wala nga lang demarcation.

Naniniwala naman ang city government na kapag mayroon nang cycling infrastructure ay mas maisusulong ang pagbibisikleta sa syudad at mababawasan ang paggamit ng sasakyan sa malalapit lang na destinasyon.

Facebook Comments