Valenzuela RTC, dedesisyunan din ang contempt order ng Quad Committee

Dedesisyunan din ng Valenzuela Regional Trial Court (RTC) ang letter request ng Quad Committee sa House of Representatives na mailagay sa kanilang kustodiya si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Kaugnay ito sa letter request na may petsang September 10, ng joint committee para kunin ang kustodiya ni Guo dahil sa contempt order.

Ayon kay Judge Elena Amigo Amano ng Valenzuela RTC branch 282, kailangang maghain ng position paper ang prosecution panel sa Lunes, September 23, 2024 bago magpalabas ng desisyon ang korte.


Kanina, pinagtatalunan Nina Atty. Stephen David, lead counsel ni Guo at ng mga prosecutors mula sa Office of the Ombudsman kung saan siya dadalhing jail facility.

Iginigiit ni Atty. David na magkaroon ng status quo o manatili na lang muna sa PNP detention facility si Guo habang iginiit ng prosecution na idiretso na ito sa Pasig female dormitory.

Facebook Comments