Validated election-related incidents, muling nadagdagan

Sumampa na sa 35 ang naitalang validated election-related incidents ng Philippine National Police (PNP).

Ang nasabing bilang ay mula sa 237 recorded incidents ng PNP as of Oct. 31, 2023.

Pinakamarami rito ang shooting incident na pumalo sa 17, dalawang kidnapping, dalawang light threats at dalawa ring harassment.


Apat naman ang naitala muli habang tig-iisang kaso ng grave threats, robbery with intimidation, indiscriminate firing, armed encounter, alarms & scandal, vote buying and selling, physical injury at paglabag sa gun ban.

Naitala naman ang mga ito sa Regions 1, 4A, 5, 7, 8, 9, 10, BAR, COR at NCRPO.

Nakapagtala naman ang PNP ng 103 suspected ERI at 99 non ERI.

Samantala, lumobo pa sa 2,032 ang mga naarestong gun ban violators, 1,540 ang mga nakumpiskang baril, 2,357 ang mga dineposito para sa safekeeping at 1,701 mga armas naman ang isinuko sa mga awtoridad.

Facebook Comments