Validated election-related incidents, umakyat na sa 15 ayon sa PNP

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 85 insidente kaugnay nang papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., 15 insidente ang kumpirmadong may kaugnayan sa halalan.

Sa nasabing bilang, 11 pamamaril, 2 kidnapping, 1 grave threat, at 1 indiscriminate firing.


Ang mga biktima ay binubuo ng 6 na incumbent barangay captains, 1 incumbent barangay councilor, 2 kandidato sa pagka-barangay captain, 4 na kamag-anak ng kandidato, 1 tagasuporta ng kandidato, at 4 sibilyan.

Kasunod nito, tiniyak ng PNP na puspusan ang ginagawa nilang hakbang upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang pagdaraos ng halalan sa Oktubre 30.

Facebook Comments