Validation at case build up, isasagawa ng PNP para sa mga indibidwal na napasama sa bagong narco-list ng Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Magsasagawa ang Philippine National Police ng validation at case build up sa mga indibidwal na kasama sa bagong narco-list ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, sa ngayon bagamat hindi pa nila hawak ang bagong listahan ng Pangulo at wala pang partikular na instruction ang Malacañang sa kung ano ang gagawin ng PNP ay susundin lamang nila kung ano man ang ipag-uutos ng mga nakakataas.

Parehong procedure ayon kay Carlos ang kanilang gagawin, una bibigyan nila ng impormasyon ang nasa bagong narco-list at bibigyan rin ng pagkakataong linisin ang kanilang pangalan.


Matatandaang sa mga naunang inilabas na narco-list ng Pangulong Duterte nagbigay ng direktiba si PNP chief sa mga PNP regional directors na magsagawa ng pag-iimbestiga.

Facebook Comments