CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng validation at consultation meeting ang DA Regional Field Office 02 sa ilalim ng High Value Crops Development Program (HVCDP).
Isinagawa ng naturang pagpupulong sa Municipal Agriculturist Office ng Nueva Vizcaya kung saan dinaluhan ito ng Alfonso Castañeda Vegetable Growers Association (ALCAVEGA), Abuyo Onion Farmers Association, at lokal na pamahalaan ng Alfonso Castañeda na siyang magiging benepisyaryo ng Fiscal Year 2025 interventions.
Mabibigyan ng P64.5-M ang ALCAVEGA para sa pagpapatayo ng mga proyektong pang-agrikultura kagaya ng green house, solar drip fertigation, packing\pre cooling house, at seed support.
Samantala, ang Abuyo Onion Farmers Association at LGU Alfonso Castañeda ay makakatanggap naman ng P61.2-M na onion seed assistance at cold storage.
Nagpakita naman ng interes ang mga bawat asosasyon sa nabanggit na proyekto at binigyang diin na makatutulong ito para sa mas maganda at mabuting produksyon ng kanilang mga tanim.