Nagpapatuloy pa ang isinasagawang validation process ng Department of Social Welfare and Development Field Office I para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa Rehiyon Uno.
Kasalukuyang isinasagawa ng naturang ahensya sa lungsod ng Dagupan ng balidasyon sa mga benepisyaryo ng 4Ps.
Layunin ng masusing prosesong ito upang masiguro at maberipika ang mga karapat-dapat na makasali at mapabilang sa listahan sa naturang programa ng ahensya at upang ipakita rin ng mga potential beneficiaries ang mga kinakailangang dokumento para makwalipika sa programang ito ng DSWD.
Samantala, nakatakdang magsagawa ng community assembly ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa mga komunidad na magtatagal hanggang Pebrero 24, 2023.
Base sa pinakahuling datos ng DSWD Field Office 1, mayroon nang 56, 750 na sambahayan ang maaaring maidaragdag bilang mga benepisyaryo ng 4Ps sa Ilocos Region. |ifmnews
Facebook Comments