Validation stage sa proseso ng pagbibigay ng ayuda sa ilalim ng SAP, inalis na ng DSWD

Tinanggal na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang validation stage sa proseso ng pagbibigay ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force (IATF), ito ay para mapabilis ang pagbibigay ng cash assistance sa mahihirap na pamilya.

Sa ilalim ng inamiyendahang panuntunan, isasagawa na lang validation sa mga benepisyaryo pagkatapos ng pay out ng subsidiya.


Sa ulat ng DSWD, umabot na sa ₱1.3-bilyong halaga ng emergency subsidies ang naipamahagi sa 236,331 low-income at non-4Ps families. Bukod pa ang 3.72 milyong Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries na nauna nang nakatanggap ng ayuda.

Habang nasa 236,412 na mga manggagawa na ang natulungan ng dole sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measure Program (CAMP).

Samantala, kahapon, nagsimula na rin ang application period para sa mga Small Business Wage Subsidy (SBWS) na tatagal hanggang April 30.

Kabilang sa mga kwalipikado para sa sbws ang mga sumusunod:

  • Nagtatrabaho sa eligible small business
  • Aktibong empleyado sa small business hanggang march 1 pero hindi nakatanggap ng sweldo sa loob ng dalawang linggo o higit pa dahil sa pagsara ng negosyo
  • Regular, probationary, regular-seasonal, project-based, fixed term employees at;
  • Sertipikado ng employer na pasok sa mga nabanggit na criteria
Facebook Comments