VALIDITY EXTENSION | DICT, nagbigay ng anim na buwang palugit sa mga Telecommunications Companies na ipatupad ang one year validity sa prepaid load

Manila, Philippines – Binigyan ng anim na buwan ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang mga Telecommunication Company para gawing isang taon ang validity ng kanilang prepaid load.

Ayon sa DICT, epektibo na noong Enero a-singko ang validity extension ng mga prepaid load pero binibigyan nila ng panahon ang mga telco na i-adjust ang kanilang mga software.

Oras na matapos ang anim na buwang palugit, paparusahan na ang mga lalabag rito.


Kasabay nito, inutos na ng National Telecommunictions Commission o NTC ang pagmomonitor sa mga reklamo na may mga prepaid load na nawawala kahit bago pa ang expiration date.

Facebook Comments