Validity ng driver license, dapat palawigin sa harap ng inilabas na TRO ng korte sa LTO

Iginiit ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa Department of Transportation – Land Transportation Office (DOTr-LTO) na palawigin ng 12 buwan ang validity o bisa ng mga driver’s license.

Mungkahi ito ni Lee makaraang maglabas ang korte ng temporary restraining order (TRO) na nagpapahinto sa pagtanggap ng LTO ng 5.2 million plastic cards na gagamitin sa pagproseso ng lisensya.

Ang hirit ni Lee ay nakapaloob sa inihain niyang House Resolution No. 1203 na layuning huwag magdulot ng problema sa mga drivers ang nabanggit na pasya ng korte.


Kasabay nito ay umapela din si Lee sa mga kinauukulang ahensya na agad resolbahin ang isyu ukol sa pagbili ng mga license cards para hindi na ito maulit sa hinaharap.

Dismayado si Lee na kahit nagbabayad ang publiko para sa drivers license ay walang naibibgay ang gobyerno.

Tinukoy ni Lee na simula noong 2015 ay palagi na lang nagkakaroong ng delays o backlogs sa pag-iisyu ng driver’s licenses dahil sa mga kasong may kaugnayan sa procurement license cards.

Facebook Comments