Validity ng Firearms License, nais palawigin ng PNP

Isinusulong ng Philippine National Police (PNP) na palawigin ang validity ng lisensya ng mga baril.

Base sa Senate Bill 1155 ni Sen. Bato Dela Rosa, nais niyang palawigin ng limang taon ang License at Registration ng mga Firearms.

Pinababawasan din ang requirements sa pag-a-apply.


Ayon kay Dela Rosa, marami kasi ang hindi nagpapa-rehistro sa PNP dahil sa komplikadong proseso na nagreresulta ng pagdami ng mga loose firearm.

Sinabi nama ni Alaric Topacio, presidente ng Association of the Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines (AFAD), makatutulong ito upang mapababa ang bilang ng loose firearms.

Para kay PNP OIC, Lt/Gen. Archie Francisco Gamboa, bumaba ng 31% ang bilang ng loose firearms sa bansa kumpara noong nakaraang Administrasyon.

Pinasasalamatan naman ng PNP ang pakikipagtulungan ng iba’t-ibang ahensya para mabawasan ang loose firearms sa bansa.

Facebook Comments