Validity ng lisensya at motor vehicle registration na mapapaso ngayong buwan, pinalawig ng LTO

Muling pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng mga lisensyang mapapaso na ngayong Agosto.

Ito ay isa sa mga hakbang ng ahensya kasunod ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Sa public advisory ng LTO, ang mga may hawak na student permit, driver’s license, o conductor’s license na mapapaso na ngayong buwan ay palalawigin hanggang katapusan ng Setyembre.


Ang validity naman ng registration ng mga motor vehicles na may plate number na nagtatapos sa 8 ay pinalawig hanggang September 30, habang ang plakang nagtatapos sa 9 ay pinalawig hanggang October 31, at ang nagtatapos naman sa 0 ay hanggang November 30.

Facebook Comments