Inihayag ng pamahalaang lungsod ng San Juan na pinalawig nila ang validity ng kanilang lumang Persons with Disability (PWD) identification cards (IDs) hanggang March 31, 2021.
Ayon kay Mayor Francisco Zamora, layunin nito na bigyan ng sapat na panahong makakuha ng panibagong IDs ang mga PWD.
Pahayag ng alkalde na ang pag-i-issue ng bagong PWD ID ay kinakailangan upang maisaayos ang sistema nito.
Mula sa application, validation at verification ng mga medical certificates at proof of residency ay dapat masiguro na lehitimong residente ng lungsod upang mabigyan ng ID.
Hinikayat niya na ang mga PWD na kumuha na kaagad ng nasabing ID upang tuloy-tuloy ang pagtanggap ng kanilang benepisyo.
Facebook Comments