
Bibigyan ng extension ng Land Transportation Office o LTO ang validity ng mga rehistro ng mga motor vehicles at driver’s license na nag-expire nitong September 30.
Dahil ito sa mga ilang kanselasyon ng pasok sa gobyerno dulot ng mga nagdaang bagyo at ang pagtama ng malakas na lindol.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, siya ay nag-isyu na memorandum sa lahat ng Regional Directors at District Office heads patungkol sa extension.
Nakasaad sa memorandum na hanggang October 15 ang palugit na ibibigay para sa validity ng rehistro at lisensya ng mga motorista.
Dagdag pa rito, sa loob ng 15 araw ay wala ring ipapataw na parusa sa mga may-ari ng mga sasakyan at lisensya.
Samantala, ang 15-day period sa settlement ng Traffic Apprehension Cases ay epektibo na nitong September 26 at posibleng ma-extend din sa October 15.









