Validity ng student permits at driver’s licences, pinalawig ng LTO

14762

Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng student permits, maginag ang mga lisensya ng mga driver at konduktor hanggang March 31, 2021.

Sakop ng extension ang mga indibiduwal na may edad 17 hanggang 20 taong gulang, at may edad 60 pataas.


Ang student permit, at driver’s at conductor’s licenses ng mga nabanggit na edad ay pinalawig dahil sa epekto ng pandemya.

Sa ilalim ng IATF Resolution No. 79, ang mga may edad 15 hanggang 20-anyos at mga may edad 60 pataas ay maaari lamang lumabas ng bahay para sa essential travel.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na pinalawig ng LTO ang validity ng ilang issued licenses dahil sa pinahabang restrictions.

Facebook Comments