Manila, Philippines – Plano ng Dept. OF Finance na bawasan ang kasalukuyang 12 percent value added tax sa mga produkto at serbisyo.
Batay kasi sa umiiral na tax code sa bansa exempted o hindi kasali rito ang mga nagbabayad para sa mga serbisyo at produkto — na wala pang P10,000.
Ayon kay Finance Spokesperson Atty. Paola Alvarez, batay sa tax reform program ng Administrasyong Duterte bukod sa layong ibaba ang personal income tax ay balak ding bawasan ang kasalukuyang 12 percent VAT sa mga produkto at serbisyo.
Pero iiksi naman aniya ang listahan ng mga exempted dito.
Dagdag pa ni Alvarez, kumpara sa Thailand mas maraming VAT exemptions ang pilipinas at kahit mas maliit ang vat sa thailand ay pareho lang ang nakokolekta ng dalawang bansa mula sa VAT.
Nabatid na tatanggalan din ng VAT exemptions ang mga kooperatibang kumikita ng bilyun-bilyong piso; Boy Scout of the Philippines at Girl Scout of the Philippines.
Matatandaang malIban sa VAT at personal income tax ipinapanukala rin ang pagtataas naman sa excise tax ng mga produktong petrolyo at tax sa bentahan ng mga sasakyan.