Iimbestigahan at pansamantalang inimpound ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ang isang van n na hinuli sa Sto. Tomas, Batangas dahil sa pag-puslit ng mga indibidwal galing Leyte papuntang Maynila.
Ayon kay Mark Anthony Delos Reyes ng I-ACT, wala umanong sapat na mga medical test at special permit na dala ang mga pasahero at driver ng van na patunay na “cleared” ang mga ito na makapasok sa isang restricted zone.
Ayon sa mga pasahero, magtutungo sila sa Maynila upang maghanap ng trabaho at bumisita sa kanilang mga kakilala at kamag-anak.
Hindi rin naman daw nila alam na kailangan ang mga nasabing papeles upang makatawid galing Leyte papuntang Maynila.
Dahil dito, ang mga pasahero ay hindi papayagan makapunta sa Maynila at pababalikin sa kanilang probinsya.
Pinapaalalahanan ng I-ACT ang publiko na sumangguni muna sa mga health center at government offices upang masiguro na sapat ang dalang mga papeles para makapunta sa mga pandemic restricted zones gaya ng National Capital Region.