Van sinalpok ng pick-up sa Habana Nabas

Nabas, Aklan— Maswerteng walang nagtamo ng malubhang sugat sa mga sakay ng dalawang sasakyan na nagbanggaan sa Habana, Nabas kahapon.
Ayon kay PSSGT. Andrew Andrade na nangyari ang aksidente kahapon dakong alas 3:45 ng hapon sa pakurbang bahagi ng nasabing highway.
Tinatahak umano ng Hiace van na minamaneho ni Anthony Narciso 43 anyos ng Brgy Cabayugan Malinao ang naturang daanan papuntang Caticlan nang salpukin ito ng nakasalubong na Navarra pick-up na minamaneho ni Norman Menor 35 anyos ng Osmenia Ave. Kalibo.
Nag-overtake aniya si Menor sa isa pang sinusundan na sasakyan kahit pakurba ang daanan dahilan para salpukin nito ang kasalubong na van.
Head on collition ang nangyari kung saan dahil sa lakas nagpagkakabangga ay dinala sa Malay District Hospital ang mga pasehero ng van na sina: Romel Calayo, Allan Patrocenio, Jason Molina, Jun Rennel Prado, Edito Cabangon samantalang hindi na nagpadala sa pagamutan ang isa pang pasaherong lalaki dahil hindi naman ito gaanong nasaktan.
Matapos malapatan ng paunang lunas ay agad naman ang mga ito na inilabas sa pagamutan.
Sa ngayon nagkasundo umano ang dalawang panig na babayaran nalang ni Menor ang medical expenses ng mga sugatan at sasakyan nitong nasira.

Facebook Comments