Vape bill, isa nang ganap na batas

Isa nang ganap na batas ang kontrobersyal na Vape Bill matapos na hindi ito malagdaan ng pangulo bago ang deadline.

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Sa ilalim ng batas, ililipat ang regulatory powers ng mga vape products sa Department of Trade and Industry.


Layon din nito na maibaba sa 18-anyos ang edad na papayagang gumamit nito.

Kapwa tinutulan ng Department of Health at ng Department of Education ang panukala dahil masisira nito ang umiiral na national laws, policies at standards sa regulasyon, distribusyon at paggamit ng vapor products at heated tobacco products.

Nagbabala rin ang DOH na ang pagpapasa sa nasabing batas ay maglalantad sa mga kabataan sa mga mapaminsala at nakahuhumaling na sangkap na nauugnay sa paggamit ng vape gaya ng alak, marijuana at mga ipinagbabawal na gamot.

Habang hiniling naman ng grupo ng mga healthcare professional at mga professor kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. na isabatas ang Vape Bill dahil naniniwala silang makatutulong ito upang mabawasan ang health risks na naidudulot ng paninigarilyo.

Facebook Comments