Ipinagbawal na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagbenta ng vapor o heated cigarettes sa mga customer na wala pa sa edad 21 at pataas.
Ang heated cigarettes ay mga electronic nicotine o non-nicotine delivery systems ng liquid solution o gel.
Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, ang mga lalabag na business establishment ay ipapasara at ipapakulong ang may-ari nito ng hanggang apat na taon alinsunod sa Section 44 ng Tax Code.
Maaari ring pagmultahin ang violator ng hanggang ₱100,000.
Sakaling dayuhan ang lumabag, agad siyang ipapa-deport pagkatapos nitong pagsilbihan ang kanyang sentensya.
Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular 128-2020, nire-require ang importer, manufacturers, at distributor ng mga nasabing produkto na ipakita sa BIR ang eksaktong replica ng mga container o wrapper ng mga produkto na may kasamang graphic health warning.
Ang mga manufacturers at distributors ay hindi maaaring magdagdag ng flavors sa mga produkto maliban sa natural tobacco.