Vape na may halong cannabis, nakumpiska ng BOC

Naharang at kinumpiska Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark ang ilang piraso ng cannabis-infused vapes.

Ayon sa BOC, idineklarang “Label Marker Machines” ang kargamento pero nang dumaan ito sa X-ray ay nadiskubre na iba ang laman.

Nadiskubre na nasa 100 piraso ng cannabis-infused disposable vapes ang laman nito matapos isailalim sa physical examination.


Tinatayang aabot sa higit ₱250,000 ang halaga ng kargamento na napag-alaman na nagmula pa ng Amerika.

Agad na kinumpiska ang kargamento pero hindi naman pinangalanan kung sino ang consignee kung saan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang bahala na mag-dispose nito.

Facebook Comments