Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng ₱1.2 bilyong tax evasion ang limang nagbebenta ng ilegal na vape.
Pinangunahan ng bagong itinalagang BIR Chief Romeo Lumagui ang paghahain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ).
Inakusahan ang mga respondent ng “unlawful possession of article subject to excise tax without payment of taxes.”
Nag-ugat ang reklamo sa isinagawang raid noong Nobyembre kung saan nasa 100,000 vape units ang nakumpiska kasama ang iba pang produkto.
Sinabi ni Lumagui na magiging agresibo ang BIR sa paghabol sa mga big-time tax evader.
Nauna niyang ibinunyag na nawawalan ng humigit-kumulang ₱1.4 bilyong taunang kita ang gobyerno dahil sa mga smuggled na vape lamang.
Facebook Comments