MANILA – Posibleng gamot nalang na binibili ng mga senior citizens at Persons with Disabilities (PWD’s) o may kapansanan ang maaring makuhang diskwento pagdating sa taong 2018.Ito’y dahil desidido ang Malakanyang, na tanggalan na sila ng exemptions sa Value Added Tax (VAT) para sa mga tinatawag na non-essentials kagaya ng pamasahe at restaurant.Sa pagtalakay ng senado sa 2017 national budget, sinabi ni Finance Committee Chairman Loren Legarda na target itong maisabatas ng Dept. of Finance sa susunod na taon at ipatutupad sa 2018.Bahagi ito ng tax reform package ng Duterte Administration at target na pagkunan ng dagdag na kita ng pamahalaan para umabot sa P2.8 trillion ang tax collection sa 2018.Kabilang sa tax reform package na ito ay ang pagpapataas ng excise tax sa mga binibiling sasakyan at petrolyo.
Vat Exemptions Sa Pamasahe At Restaurant Ng Mga Senior Citizen At May Kapansanan, Ipapatanggal Ng Malakanyang
Facebook Comments