VAT | Pagpapatupad ng dagdag buwis sa Saudi, may malaking epekto sa pagpapadala ng mga OFWs – OWWA

Manila, Philippines – Naniniwala ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA na magkakaroon ng negatibong epekto sa usapin ng pagtatrabaho at pagpapadala ng mga manggagawa ng Pilipinas sa Saudi Arabia kasabay ng pagpapatupad ng dagdag buwis o Value Added Tax (VAT) sa nasabing bansa.

Sinabi ni Cyhthia Erum, ang advocacy and social marketing division head ng OWWA, dahil na rin pagbabago ng binabayarang tax sa Saudi, nakikita na rin ang banta ng posibleng non-renewal ng mga employers ng mga dayuhang manggagawa doon.

Ipinaliwanag ni Erum, tiyak na maaapektuhan kase ang babayarang buwis ng mga kumpanya, lalo na yung mga nasa hanay ng small scale industries.


Kaya’t mula sa posibilidad na magsara na lamang ang mga ito, dahil sa hindi makayanan ng pagpapasahod, posibleng mauwe din sa retrenchment o pagbabawas ng tao.

Dahil dyan, mayroon na aniyang ginagagawa ang DOLE kasama ang POEA para sa preparasyon sa anumang magiging epekto ng nasabing sitwasyon.

Nagsimula na kasing ianunsyo ng Saudi government ang 5% umanong pagtataas ng kanilang VAT na inaasahan namang mararamdaman simula ngayong buwan ng Enero.

Facebook Comments