VAT refund system sa mga turista, makakapagbukas ng maraming trabaho para sa mga Pilipino

Inaasahang lalaki pa ang kita ng bansa sa VAT refund ng turista sa mga bibilihing produktong gawang Pinoy.

Sa ambush interview sa Malacanang, sinabi ni Tourism Secretary Maria Cristina Frasco na pangunahing makikinabang dito ay ang maliliit na negosyante o Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs).

Ayon kay Frasco, bukod sa pag-engganyo ng mga turista ay dadami rin ang mga Pilipinong magkakaroon ng trabaho dahil tiyak aniyang magbubukas ng maraming negosyo ang MSMEs.


Sa katunayan, sinabi ni Frasco na lagpas pa sa naitala nila ngayong higit 116% recovery ang inaasahang paglaki ng bilang ng turista sa bansa sa susunod na taon.

Hanggang nitong 2023 aniya ay nasa 6.21 milyon na ang mga Pilipinong pumasok sa industriya ng turismo.

Habang nasa higit 5.4 milyon na ang international visitors, at higit 100% na ang recovery ng bansa sa international visitors.

Facebook Comments