VAT sa oil products, dapat suspendihin muna sa gitna ng pandemya

Pinapasuspende sa loob ng isang taon ni Senator Imee Marcos ang ipinapataw na Value Added Tax (VAT) sa oil products sa gitna ng nararanasang krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Nagpatupad ang pamahalaan ng dagdag na 12% VAT sa fuel products bukod pa ito sa excise tax na ipinataw sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Paliwanag ni Marcos, may domino effect ang oil price hike sa mga produktong agrikultura at iba pang essentials.


Ayon kay Marcos, ipapasa lang ang dagdag na presyo ng langis sa mga consumer na kawawa na nga dahil walang trabaho ay tumataas pa ang halaga ng pagkain, kuryente at mga bilihin.

Diin pa ni Marcos, malaking ginhawa ito sa mga motorista at mga konsyumer kung pansamantalang masuspinde ang 12% VAT sa langis.

Facebook Comments