Vatican, magdadaos ng misa para sa Ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas

Photo Courtesy: Al Jazeera

Nakahanda na ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) para sa paggunita ng ika-500 taon ng Kristyanismo sa bansa.

Ayon kay CBCP Secretary General Monseignor Bernard Pantin, maituturing na makasaysayan ang pagdating ng Kristyanismo sa Pilipinas.

Dahil dito, magdaraos aniya ng misa sa Vatican na pangungunahan ni Pope Francis bukas, ika-14 ng Marso.


Isang barko naman ng España na Juan Sebastian El Cano ang iikot sa mga lugar na napuntahan ni Ferdinand Magellan bago pa nito ipakalat ang Kristyanismo sa Cebu.

Dadaong din ang barko sa Suluan, Homonhon Islands, Guian sa Samar mula 16 hanggang ika-18 ng Marso habang sa Marso 20 hanggang 22 ay titigil ito sa Cebu.

Facebook Comments