VAWC DESK SA KADA BARANGAY SA BAYAMBANG, TINALAKAY

Tinalakay sa isinagawang public hearing ng sangguniang bayan ng Bayambang ang ukol sa kanilang panukalang pag-establish sa mga VAWC Desk kada Barangay sa Munisipalidad.
Ang pagpapanukala ng naturang ordinansa ay upang mabigyan ng atensyon ang mga kababaihan ang mga batang nakararanas ng pang-aabuso maging ang paghandle sa mga VAWC Cases na nai-file.
Naglalayon ang ordinansa na makapagbigay ng proteksyon sa mga Barangay Level lalo na sa mga kababaihan at mga kabataan na biktima ng karahasan sa loob mismo ng kanilang mga tahanan.

Dumalo naman sa naturang pandinig ang ilang konsehal, miyembro ng Sangguniang bayan at nasa pitumput pitong mga Barangay sa bayan.
Naging resource persons naman ang mga opisyal ng MSWDO at PNP. |ifmnews
Facebook Comments