Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Malabon ang Vax-Baby-Vax Routine Catch-up Immunization.
Sa tala ng Malabon City Health Department, nasa 350 na batang may edad 0-23 months mula sa iba’t ibang barangay ang nabakunahan na.
Ang mga nasabing bakuna ay kontra sa mga sakit tulad ng tuberculosis, hepatitis B, diarrhea, tetanus, influenza B, polio, pneumonia, meningitis, tigdas, beke at iba pa.
Magpapatuloy ang pagbabakuna sa lungsod ng Malabon hanggang Nobyembre 18, 2022.
Layon nito na maprotektahan ang mga bata mula sa vaccine-preventable diseases.
Para sa mga magulang na hindi pa napapabakunahan ang kanilang mga anak, hintayin ang mga health workers sa kanilang mga tahanan o makipag-ugnayan sa health center sa barangay.
Kaugnay nito, hinihimok ng Malabon Local Government Unit (LGU) ang ibang mga magulang na pabakunahan ng ang kanilang mga anak upang maging ligtas sa mga sakit at huwag ng mangamba dahil ligtas naman ang mga bakuna na gagamitin.