Vaxine, nais ding magsagawa ng trial sa Pilipinas – DOST

Naghayag ng interes ang Australian biotechnology company na Vaxine sa pagsasagawa ng clinical trial ng potential COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, wala pa siyang kumpletong detalye hinggil dito pero bukas ang nasabing kumpanya na magsagawa ng clinical trial at manufacturing ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Batay sa COVID-19 vaccine tracker ng The New York Times, ang Vaxine ay nakapag-develop ng bakuna na kino-combine ang viral proteins sa isang adjuvant na nagpapalakas ng immune system.


Ang Phase 1 clinical trial nito ay nagsimula na noon pang kalagitnaan ng taon.

Facebook Comments