Malaki pa rin ang maitutulong ng Virgin Coconut Oil (VCO) para mapaaga ang paggaling ng mga pasyenteng may COVID-19.
Ito ay kahit hindi nakitaan ng significant benefit ang VCO sa mga pasyenteng may moderate at severe COVID-19 cases na sumalang sa clinical trial sa Philippine General Hospital (PGH).
Bago ito, napatunayan sa clinical trial sa isang quarantine facility sa Sta. Rosa, Laguna na epektibo ang VCO para patayin ang virus sa mga symptomatic at mild COVID-19 patient.
Ibig sabihin, ayon kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD), makakatulong ang VCO kapag maaga itong ginamit pero hindi na gagana kung kalat na ang virus o malala na ang sakit.