VCO, ikinokonsidera ng DOST na pandagdag na gamot laban sa COVID-19

Ikinokonsidera ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) ang Virgin Coconut Oil (VCO) bilang ‘adjunct therapy’ para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay DOST-FNRI Director Dr. Imelda Agdeppa, natapos na nila ang pag-aaral na isinagawa sa Sta. Rosa, Laguna, ukol sa bisa ng VCO at nailathala na ito sa international journal.

Sa nasabing pag-aaral, ang mga pasyenteng umiinom ng VCO ay nakakarekober mula sa sintomas ng COVID-19 sa loob lamang ng dalawang araw habang ang mga hindi umiinom nito ay inaabot ng lima hanggang anim na araw bago gumaling.


Nakitaan din ng mababang C-Reactive Protein (CRP) level ang dugo ng pasyenteng uminom ng VCO na nangangahulugan ng mababang posibilidad na mahawaan ng virus.

Samantala, ayon kay Agdeppa, nagpapatuloy pa ang pag-analisa sa datos sa kaparehong pag-aaral na isinasagawa sa Philippine General Hospital.

Facebook Comments