Vegetable community pantry, itinayo ng mga 4Ps beneficiary na bakwit ng Mayon Volcano sa Ligao City, Albay

Sa gitna ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, nagkaisa ang evacuees na nananatili sa Provincial Campsite sa Basag, Ligao City na magtayo ng vegetable community pantry.

Ang evacuees na pawang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang nakaisip na maglatag ng veggie pantry.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), layon ng community pantry na suportahan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.


Ang mga gulay ay mula sa kanilang umiiral na communal garden at maaaring kumuha ng libre ang sinumang mga bakwit.

Facebook Comments