Dealer ng Gulay na Naaresto sa Pagbebenta ng Marijuana, Nakasuhan na!

61
Generic

Cauayan City, Isabela- Nasampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 at RA 9516 ang isang vegetable dealer na high value target (HVT) ng PNP at PDEA na naaresto sa drug buybust operation ng mga otoridad sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Matatandaang noong Pebrero 18, 2020 nang madakip sa ikinasang operasyon ng kapulisan si Jan Louie Mamaril, 27 taong gulang, at residente ng Brgy. Macate, Bambang, Nueva Vizcaya.


Nakuha sa pag-iingat nito ang tatlong (3) heat sealed transparent sachets na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana, apat na piraso ng Php1,000.00 na boodle money, isang piraso ng Php1,000.00 na buybust money, 2 sling bag, isang lighter, mga sigarilyo, isang karton na naglalaman ng dried marijuana at isang granada.

Kasalukuyang nakapiit sa Bambang Police Station ang suspek.

Facebook Comments