Vehicular Accident, Bumaba habang Medical Cases Tumaas- Cauayan City Rescue 922!

Cauayan City, Isabela- Bagamat bumaba ang kaso ng mga vehicular accident sa Lungsod ng Cauayan ay tumaas naman ang bilang ng mga nirerespondehan ng Rescue 922 na mga nagpapadala sa ospital dahil na rin sa banta ng COVID-19 pandemic.

Batay sa datos ng Rescue 922, mula sa naitalang bilang na 69 sa vehicular accident noong buwan ng Pebrero ay nasa 45 na lang nitong buwan ng Marso habang sa self-accident naman ay nakapagtala lamang noong Marso ng 59 mula sa naitalang 106 noong buwan ng Pebrero.

Ito’y bunsod na rin ng umiiral na Enhanced Community Quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.


Ayon naman kay Ginoong Cornelius Dalog II, OIC ng Rescue 922 Cauayan, sinabi niya na mas naging conscious na ang mga Cauayeño dahil kung sila ay nakaramdam na ng anumang sakit ay agad nang tumatawag sa kanilang tanggapan at nagpapadala sa ospital upang magpakonsulta.

Kaugnay nito, nasa 113 ang naitalang mga request sa Rescue 922 kumpara sa 37 noong nakaraang buwan ng Pebrero.

Ayon pa kay Ginoong Dalog II, ang pagbaba ng aksidente na kanilang tinutugunan sa lansangan ay dahil na rin sa pagbabawal sa lahat ng mga traysikel na bumyahe sa Lungsod.

Facebook Comments